Labintatlong taon ang nakaraan
Kami ay nabiyayaan
Ng isang sanggol na lalaki
Na pangarap lagi.
Habang siya ay lumalaki
Lalong pumopogi
Salamat sa Tatay
Na maganda ang lahi.
Magmula nang pinanganak
Naging mabuting anak.
Mapagmahal na kapatid
Tamang landas ay tinatawid.
Sa iyong kaarawan
Sana’y lalo mong maramdaman
Na mahal ka naming
Nina Daddy at Ate Chinchin.
Pag-aaral ay pagbutihin
Mga pangarap ay abutin.
Pagiging mabait ay panatilihin
Upang laging masaya ang pamilya natin.
Magandang kaarawan
Ang Panginoon nawa’y lalo kang biyayaan.
Sana ikaw ay maging masaya
Kasama kaming iyong pamilya!
Lourdes Pobe
Related posts:
New church in Ur to be place of understanding and pilgrimage
2025-03-07Asia
Artists’ mobile kitchen feeds disaster survivors in the Philippines
2023-09-22Features
Be still and know that God is mighty
2022-09-02Notice Board
Reflections from the vicar general: Peace be with you
2025-10-17Features | Commentary
___________________________________________________________________________









