Ang himala ngpananampalatayaat kapayapaan

Ang himala ngpananampalatayaat kapayapaan

Isang bagay ang alam ko: dati akong bulag ngunit ngayo’y nakakikita na.”

Muli ay ipinakita ni Hesus ang kapangyarihan ng Diyos. Ang taong ipinanganak na bulag ay muling nakakita. Ayon sa pananaw ng mga tao nuon, ang isang may kararamdaman o kapansanan ay dahilan sa kasalanan nya o ng kanyang mga magulang. Kaya ang mga may sakit ay iniiwasan at di tanggap sa lipunan o maging sa bahay dalanginan. Ika nga ay outsiders sila o itsa pwera. Dito ipinakita ni Hesus ang Habag at kagandahang loob ng Diyos. Ang milagro ng pagkakita ng isang bulag at himala ng Pagasa. Nakabalik muli ang lalaki sa kanyang pamilya at komunidad. Higit sa lahat ay nakita at nakilala nya si Hesus at syay sumapalataya. 

Ngayong panahon ng Kwaresma, hingin natin Kay Hesus na imulat ang ating mga mata sa katotohanan. Bigyan ng Liwanag ang ating paningin at makita natin ang kanyang pagmamahal. Ang mamulat din ang ating mga mata sa paangangailangan ng mga dukha. Ang mabukas ang ating mga puso at makita natin ang mga mahihirap na kailangan ang ating Habag at Malasakit.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________