
Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.”
Sadyang mas madali ang humusga sa iba kesa sa suriin ang sarili. Ang dami nila at desidido silang parusahan ang babaing nagkasala. Pero gusto nilang subukin din si Hesus kung agree sya na patayin ang babaing nagkasala. At dito natin nakita na ang Diyos ay mahabagin at mapag patawad. At kasama sa pag papatawad ay imbitasyon nya na huwag ng magkasala muli. Ang sabi nya sa babae “Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala.”
Naway magkaroon tayo ng mababang loob at magsisi sa ating kasalanan at humingi ng tawad sa Diyos. Alisin din natin ang ugaling mapaghusga. Ang Diyos ang naka-kaalam ng lahat. Sya ang huhusga sa ating lahat. Pero higit sa parusa, pagpapatawad at pagmamahal ang ipinakita ni Hesus sa babae. Sadyang mahabagin ang Diyos.
Father Arnold Abelardo CMF