
Nagdiriwang ang buong Simbahan sa Kapistahan ng Holy Trinity. Ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Ipinakita at ipinadama ni Hesus sa atin ang relasyon ng Tatlong Persona, nakaugat sa Pagibig. Sa simulat simula pa ng likhain ang lahat ay magkasama na. Relasyon at ugnayang Banal at Totoo.
Magandang pagnilayan natin kung ano ba ang relasyon at ugnayan natin sa Holy Trinity. Paano ba ang ting buhay pananampalataya bilang pamilya at komunidad? Paano ba nabubuhay ang presensya ng SanTatlo sa ating araw araw na buhay. Sa tuwing mag sign of the Cross Tayo ay tinatatawag natin ang Holy Trinity na manahan sa ating buhay. Ang Tanda ng Cross ay pagpapahayag natin ng pananampalataya at pagtanggap sa Ama, Anak at Espiritu Santo.
Naway mabuhay tayo ayon sa presensya at gabay ng SanTatlo. Bilang pamilya at komundad, ang Holy Trinity ay manatili sa ating puso, sa ating buhay, sa ating mga gawain at pakikipag relasyon sa ating kapwa. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak ay ng Espiritu Santo, Amen.
Father Arnold Abelardo CMF