Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon

“Pangako ng Ama susuguin ng Anak”

At si Hesus nga ay umakyat sa langit at nagiwan ng pangako para sa mga Alagad. Meron tayong matandang kasabihan, “pangakong napapako “ hindi natutupad pag galing sa politiko na masama. Ibig sabihin na budol o nadaya tayo. Eka nga ay paasa lang pala.

Pero si Hesus ay hindi paasa dahil hindi sya kandidato na politiko. Ang kanyang pangako mula sa Ama ay di napapako kundi natutupad. Ang kanyang Salita ay totoo at ginagawa nya ayon sa Kalooban ng Ama. Kumpara sa pangako ng politiko na di nagkakatotoo, ang habilin at pangako ni Hesus ay hindi biro o panloloko. May katuparan ang kanyang mga Salita. Minsan pagod na tayo sa ating mga lider at pinuno dahil sa kanilang paasang pangako. Pero kay Hesus, galak at kasiyahan ang dulot ng kanyang pangako sa mga Alagad. Kasi anduon ang kanilang tiwala at pananampalataya kay Hesus. Dahil si Hesus ay may isang Salita.

Kaya kay Hesus tayo sumamba ay lumapit. Dahil ang alay nya ay di panandaliang ayuda, kundi Lakas at kaligtasan mula sa Ama, ang Espiritu Santo, ang Dakilang Gabay at Buhay na magbibjgay ng pagasa at kapangyarihan mula sa taas. Purihin at ipagdangal natin ang Diyos na Maylikha, pasalamatan natin ang Anak na si Hesus na sa atiy nagligtas at sambahin natin ang Banal na Espiritu na sa atiy nagpapalakas at nagpapabanal.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________