Nanay, Mabuting Pastol

Nanay, Mabuting Pastol

Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman.”(Jn. 10:27-28).

Ang ika-apat na Linggo ng Muling Pagkabuhay ay tinawag na “Linggo ng Mabuting Pastol.” At ang linggo din ito, ay linggo ng panalangin para sa bokasyon. Si Hesus ay ang mabuting Pastol. Bakit naging mabuting Pastol si Hesus? Una dahil S’ya ay nakikinig sa tinig ng Ama, at sumunod sa kalooban ng Ama. Kung nakikinig tayo kay Hesus, magiging mabuti ang ating buhay. Dahil sa tinig at turo ni Hesus, tayo ay ginagabayan upang mapabuti ang ating buhay bilang bahagi ng kanyang kawan. Hangad ni Hesus, na ang kanyang kawan, mga miembro ng kanyang Simbahan ay hindi mawawala sa paglalakbay sa mundong ito.  At upang hindi tayo mawawala sa ating pamumuhay, makinig tayo kay Hesus ang ating mabuting Pastol. 

Sa linggong ito atin din ipinag-diriwang ang kaarawan ng mga Ina, o “Mother’s day”. Ang hangad ng isang Ina para sa kanyang mga anak ay mapabuti ang kanilang buhay, at magkaroon ng magandang kinabukasan. Maraming nga OFW na Ina, na nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Tinitiis ng isang Nanay ang mga hirap bilang Migrante para lamang sa kanyang mga anak. 

Pero nakakalungkot, dahil may nga Nanay pa rin na hindi naging tapat sa kanilang bokasyon. Nakalimutan na nila ang kanilang misyon na maging tunay na Pastol, nag-aalay ng buhay para sa mga anak at pamilya. Nawa’y magabayan sila upang tahakin muli ang kanilang bokasyon, bilang tunay na Nanay, na handang mag-alay ng buhay para sa kanyang pamilya.

Si Hesus ang ating Mabuting Pastol, tinitiis ni Hesus ang mga hirap upang magkamit tayo ng kinabukasan, ang buhay na walang hanggan. Ang tunay na Pastol ay handang mag-tiis, ibigay ang buhay para sa kanyang kawan. 

Nawa’y ating tularan si Hesus, na nag-alay ng kanyang buhay upang ating makamtan ang tunay na buhay, ang buhay na walang hanggan.

Sa lahat ng mga Ina, nawa’y ang pagpapala ng ating Mabuting Pastol ay sumasainyo magpakailan man. 

To all Mothers, “Happy Mother’s Day”, Mabuhay ang mga Nanay, na nagsisikap na tularan si Hesus, ang ating Mabuting Pastol.

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________