Nangusap ang Diyos sa tradisyon!

Nangusap ang Diyos sa tradisyon!

Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo’y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.” (Jn. 20:30-31).

Nakasulat sa ating ebanghelyo, na maraming pang ginawa si Hesus, maraming pang kababalaghang ginawa N’ya na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatalata sa aklat…” Paano natin malalaman ang mga ginagawa ni Hesus kung hindi ito nakasulat sa bibliya? Ang sagot ay, malalaman natin sa pamamagitan ng tradisyon ng ating simbahan. Ito po ay mahalaga sa ating pananampalataya. Ibig sabihin sa tradisyon ay nangungusap din ang Panginoon sa atin. Ina-atas ni Hesus ang pagtayo ng kanyang Simbahan kay Simon Pedro. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang mga alagad ay ginagabayan sa kanilang pamumuno at pagmimisyon. 

Tulad sa sinabi ng ating ebanghelyo; “Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”(Jn. 20: 22-23).  Binigyan ni Hesus ng kapangyarihan ang kanyang mga alagad upang ipalaganap ang mabuting balita at kanyang simbahan.

Maging bukas tayo sa banal na Espiritu Santo, dahil patuloy nangungusap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng tradisyon ng ating Simbahan. Ito ang dahilan, kung bakit itanataguyod ng ating Simbahan ang pamamaraan kung paano maging tunay na Simbahan, maging isang “Synodal Church”. Simbahan na marunong makinig sa bawat isa, nakikinig sa galaw ng banal na Espiritu Santo upang patuloy natin maisabuhay ang katuruan  ni Hesus sa ating makabagong panahon. 

Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay isang pagpapahayag na patuloy S’yang gumagabay sa atin. Pinagtagumpayan ni Hesus ang kamatayan at dahil dito ang hanggad ng ating Simbahan ay makamtan natin ang ipinaglaban N’ya, ang buhay na walang hanggan. 

Ang sabi ng ating ebanghelyo na maraming ginawa si Hesus na hindi nakasulat sa aklat, at ito ay nasa tradisyon ng mga alagad, na patuloy isinasabuhay ng ating Simbahan. Ang ating tradisyon ay nagpapatibay ng ating pananampalataya, ang mga gawaing ito ay nagpapalapit sa atin kay Hesus upang matularan natin S’ya sa kabanalan at pagmamahal sa kapwa. 

Si Tomas ay hindi na naniniwala noong sinabi ng mga alagad, na buhay si Hesus. Kung tayo ay lumayo sa ating Simbahan, sa tradisyon ng mga alagad, humihina ang ating pananampalataya. Si Tomas ay lumayo sa kanyang kasamahan, sa komunidad, lumayo sa Simbahan, at humihina ang kanyang paniniwala. Ang tradisyon ng ating Simbahan ang nagpapalakas ng ating pananampalataya upang ating masaksihan ang muling pagkabuhay ni Hesus, sa pamamagitan ng paglilingkod at  pagbibigay buhay sa ating kapwa.

Nangungusap ang Diyos sa tradisyon kung ito ay nagbibigay ng muling pag-asa sa mga nasa kadiliman at nawala sa liwanag ng Simbahan.

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________