Ako ang pagkaingnagbibigay buhay

Ako ang pagkaingnagbibigay buhay

A

ng ating lipunan ay maraming hinahanap sa buhay. Tulad ng lunas sa karamdaman, pera para sa kabuhayan, trabaho, pampaganda o pampabata at pampahaba ng buhay. Lahat tayo ay naghahanap. 

Sa Ebanghelyo ni Juan, nakita natin na hinahanap ng mga tao si Hesus dahil sa kanilang iba’t ibang pangangailangan. Ang ilan ay naghahanap ng himala, ang iba naman ay gusto makakain. At meron namang si na naghahanap ng pagasa, kagalingan at kaligtasan. Sa mga naghahanap ng pagkain eto nga sinabi ni Jesus sa kanila na sya ang sagot sa kanilang hinahanap. “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay,” sabi ni Hesus. “Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”

Ikaw ano o sino ang hinahanap mo? Ano ang kulang sa buhay mo? Natagpuan mo na ba si Hesus? 

Naramdaman mo ba ang presensya ni Hesus sa iyong buhay? Ibukas natin ang ating isip at puso kay Hesus upang matagpuan natin sya. Magdasal tayo, magbasa ng Bibliya, magsimba at dumalo sa Misa at tanggapin ang Tinapay ng Buhay, si Hesus mismo..

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________