
Iba talaga ang panahon ngayon. Lahat nagmamadali. Busy lagi sa trabaho.
Busy sa eskwela. At minsan busy sa buhay kaya nakakalimutan magdasal o magsimba.
Pati relasyon ng pamilya sa isa’t isa apektado minsan kasi busy sa kung ano ano.
Kaya maganda ang imbitasyon ni Hesus sa atin na pumunta sa tahimik na lugar at makapagpahinga ng kaunti.
Ang paanyaya ni Hesus ay tawag sa ating lahat na magbigay ng panahon na magnilay at magdasal.
Mahalaga na makahinga tayo ng malalim. Mag relax. Huwag magmadali. Kausapin ang Diyos. Magpasalamat. Kumilala.
At minsan mahalaga na iwan muna ang alalahanin para makapagpahinga ng kaunti. Hinga ng malalim. I-alay ang lahat sa Diyos. Huwag mag alala. Mag tiwala. Manalig sa pagmamahal ng Diyos.
Kapatid, nasaan ka man, alagaan mo din ang iyong sarili. Magpahinga ka din at mag relax. Magdasal. Magpasalamat sa
Diyos.
Father Arnold Abelardo CMF