
Ang paghahari ng Diyos ay pagtatanim ng pagmamahal. Paghahasik ng Kabutihan at pagpapabunga ng Pananampalataya. Maganda ang sinabi ni Santo Padre Pio, “Pray, Hope and don’t worry” sa Tagalog, “manalangin, magtiwala at huwag mag-alala”.
Ibig sabihin ibigay natin lahat sa Diyos. Kaya nga maganda ang talinhaga ni Hesus na kung meron tayong pananampalataya kahit
kasing liit ng butil ng mustasa eh lalago ito at yayabong. Ipinakita din ni Hesus sa atin na hindi nya tayo pababayaan. At ibibigay ng Diyos ang sapat at tamang pangangailangan natin.
At para tayo ay maging bahagi ng paghahari ng Diyos, kailangan nating tumugon, tumulong at maging bahagi ng pagpapabunga. Tayo mismo ay maging manananim o maghahasik ng Kabutihan at hindi paghahasik ng lagim.
Tayong lahat ay mga munting butil ng Diyos na inihasik at nilikha nya para sa daigdig, para sa ating kapwa. Nawa tayo ay lumago, mamunga at magbahagi.
Father Arnold Abelardo CMF