
Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananati-ling nakakabit sa puno. Gayun din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin” (Jn. 15: 4).
Si Kristo ang daan upang makamtan ang tagumapay sa buhay. Kung tayo ay hiwalay kay Kristo, hindi natin makakamtan ang tunay na buhay dahil S’ya lamang ang nagbibigay ng tunay na buhay. Totoo may buhay ka, pero kung wala kang ugnayan kay Kristo hindi mo makikita ang direksyon at kahulugan ng iyong buhay. Hindi ang mga materyal na bagay ang magbibigay sa atin ng kaligayahan kundi ang ating ugnayan kay Kristo. Dapat meron tayong pa-nahon kay Kristo dahil S’ya lamang ang nagbibigay ng buhay.
Lahat tayo ay may mga talino o biyaya na ibinigay ng ating Amang naglikha sa atin. Hindi natin matuklasan ang ating talino kung hiwalay tayo sa Diyos. “Hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.” Sa ating mga panalangin hingiin natin sa Ama na buksan ang ating mga mata at ituro sa atin ang ating talino upang ating itong maibahagi para sa pagpapalaganap ng mabuting balita at sa kaharian ng Diyos. Ang ating talino ay ang ating bokasyon sa buhay. Binigyan tayo ng Diyos ng isang bagay na tayo lamang ang makagawa, at kung matuklasan mo ang bigay ng Diyos sa iyo, ito ang magbibigay ng kahulugan sa iyong buhay. Ang buhay natin dito sa lupa ay hindi lamang para tayo ay magsaya, may misyon tayo. At ang ating misyon ay manatili sa Diyos upang magbunga ang ating pamumuhay Kristiyano.
Huwag kang hihiwalay kay Kristo dahil sa kanya lamang ang tunay na buhay, at S’ya lamang ang nagbibigay sa atin ng totoong tagumpay. Huwag kang matakot na lumapit kay Kristo. Siya ang ating Diyos na puno ng pagmamahal at awa. Ang ating pagka-Kristiyano ay hindi maging ganap o buo kung hindi tayo lalapit sa kanya.
Para may tagumpay sa buhay, manatili kay Kristo!
Father Jay Flandez SVD