Gusto mo ba makita si Hesus?

Sa kwento ng Ebanghelyo ay merong mga dayuhan na mga Griego ang gustong makita si Hesus kaya nagtanong sila sa mga apostol , “Ginoo, ibig po naming makita si Hesus.” Maaaring nadinig nila ang kwento tungkol kay Hesus at sila ay humahanga. Di ba tayong mga Filipino eh normal na ang humahanga sa mga artista at sikat na singer o politiko. At minsan gusto natin silang sundan o gayahin pati style ng buhok o pananamit. At minsan gusto din nating magpa picture o selfie. Para mahawahan tayo ng kasikatan ika nga. 
Nuong panahon ni Hesus may iba’t ibang kwento din ang kumakalat tungkol sa kanya. Kaya madami ang gusto sya ma-kita. Ang iba eh curious at gusto lang hanapan sya ng mali. Meron din naman eh sadyang gusto magpagamot at magpa bless sa kanya. At may ilan na gustong sumunod sa kanyang yapak at maging alagad nya. 
At dito natin nakita sa Ebanghelyo Kung paanong niliwanag ni Hesus sa mga gusto syang ma-kita na ang pagsunod sa kanya ay paglilingkod, pagbibigay ng sarili at buhay para sa Diyos at sa kapwa. Nilinaw ni Hesus na ang pag sunod sa kanya ay pagtanggap ng kalooban ng Diyos. At ito ay nangangahulugan minsan na may kasamang paghihirap at pagtitiis. At sa pagsunod natin kay Hesus tayo ay tinatawag nya na magmahal, magpatawad at magbigay. Magandang palalimin natin ang ating buhay Pananam-
palataya ngayong Kwaresma. Gusto mo ba makita si Hesus? At kung makita mo sya, ano gusto mo sabihin sa kanya? Ano itatanong mo sa kanya?? Sa ating pananalangin ay magagawa natin ito. Maging bukas sa kanyang Pagibig. Katulad ng maraming OFWs na pumunta sa ibang bansa para maghanap buhay, ang una nilang hinahanap sa bagong lugar ay simbahan dahil gusto nila makita si Hesus.  Tara ha-napin natin si Hesus at kausapin natin sya. At katulad ng mga Griego at dayuhan pwede nating sabihan sa mga banal na “Ginoo, ibig po naming makita si Hesus.”

● Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________
Share: