
Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan.” (Mt. 25:6-7).
Ang buhay ng Kristiyano ay isang buhay na paghahanda, dahil tayo ay pangsamantala lamang sa mundong ito. Hindi ito ang ating tunay na tahanan. Tayo ay naglalakbay pa lamang tungo sa ating tunay na tahanan, ang kaharian ng Diyos.
Ang ating ebanghelyo ay nagpapaalalala sa atin na lagi tayong maghanda sa ating buhay. Ito ay inahanlintulad sa sampung dalaga na naghihintay ng lalaking ikakasal at sila’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila ay hindi naghahanda, ibig sabihin walang dalang langis.
Habang ang lima naman ay naghahanda, hindi lamang ilawan ang dala, naghahanda pa sila ng langis. At dahil natagalan sa pagdating ang lalaking ikakasal naubusan sila ng langis. Ang lima na naghahanda, sila ang nakasama sa lalaking ikakasal. Ibig sabihin, sa pagdating ni Hesus ang nakahanda ang makapasok sa kanyang kaharian.
Paano ba maghanda sa mundong ito?
Una dapat ating tanggapin at sundin palagi si Kristo. Hindi lang tayo tumanggap ng Binyag, tayo rin ay tinawag na maging mga alagad ni Kristo. Ang alagad ni Kristo ay nagsasabuhay ng kanyang turo. Sinasabuhay ang pananampalataya. Ano mang oras dumating si Hesus ay handa natin S’yang harapin. Hindi natatakot, dahil laging handa.
“Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.” (Mt. 25:11-13).
Hindi tayo makilala ni Hesus kung hindi tayo nagsasabuhay ng ating pananampalataya. Upang makilala tayo ipakita natin si Hesus sa ating kapwa sa pamamagitan ng ating pagtulong sa mga nangangailangan, pagsunod sa kalooban ng Diyos, at pagpapalaganap ng kanyang kaharian dito sa lupa.
Sa ating kabutihan sa kapwa tayo ay magiging mukha ni Kristo sa mundong ito.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Handa ka na ba sa pagdating ni Hesus?
Father Jay Flandez SVD