
Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?’ At sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’ Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.” (Mt. 20:12-16).
Bakit ganon, para namang “unfair” yan. Buong araw silang nagtatrabaho tapos pinapareho lang ang upa nila. Ang may ari ay walang ginawang masama. Tandaan natin, na sila ay nagkasundo ng upa na isang denaryo. Mabait lang talaga ang may ari ng ubasan.
Ang Diyos ang mayari sa mundong ito, S’ya ang mayari sa buhay natin. S’ya ang nagbibigay ng mga biyaya sa buhay natin. Hindi naging masaya ang naunang nagtatrabaho dahil kinukumpara nila ang kanilang sarili sa ibang tao. Tuloy pinagbintangan pa nila ang mayari ng ubasan na dinaya sila dahil pareho lang ang natanggap nilang upa. Tandaan natin hindi sila dinaya sa mayari. Sabi pa nga ng mayari ng ubasan; “Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’
Hindi inakala yung mga nagtatrabaho ng isang oras na tatanggap sila ng isang denaryong upa. Dahil isang oras lang naman sila nagtatrabaho. Baka naman maski isang oras lang ang pagtatrabaho nila, pero walang hinto ang kanilang pagtatrabaho. Hindi nila dinaya ang mayari at tapat sila sa kanilang pagtatrabaho. Baka sila pa’y nagpapasalamat sa mayari ng ubasan na tinawag sila upang magtrabaho. At yung nauna namang nagtatrabaho baka nama’y patamad-tamad, at ito ang dahilan bakit ang mayari ng ubasan ay patuloy na naghahanap ng manggagawa. At nakita N’ya ang mga ito na taos pusong nagtatrabaho sa kanyang ubasan. At sa tuwa N’ya, inutusan ang katiwala na bigyan na rin sila ng parehong upa.
Ang Diyos at hindi tumitingin sa haba ng panahon ng iyong paglilingkod sa kanya, ang kanyang tinitingnan kung tapat ka ba sa pagtatrabaho mo sa kanyang ubasan.
Ang lahat ay biyaya ng Diyos!
Father Jay Flandez SVD