
Pag nagbasa tayo ng dyaryo o manuod ng balita, halos malungkot at manghina tayo sa ating mga naririnig at nakikita. Ang mga kwento ay gyera, patayan, bagyo o disaster, o kaya eh chismis tungkol sa mga artista etc. parang feeling natin helpless tayo at walang magawa. Sa Ebanghelyo parang ganito ang feeling ni Hesus nuong makita nya ang maraming tao na may ibat ibang situation at pangangailangan. Kaya ganon na lamang ang naramdaman nyang Habag at awa sa mga tao. Imagine mo nakita sila ni Hesus na lito at lupaypay ay ang iba ay maysakit. Kaya nasabi nya sa kanyang mga alagad na “Sagana ang anihin, ngunit kaunti ang mag-aani. “. Ang Salita ni Hesus ay invitation nya sa ating lahat na tumulong at lumapit sa ating kapwa na kailangan ang Malasakit.
Kasama ng mga Alagad ni Hesus, tayo din ay inatasan nya na magpagaling ng mga maysakit. Tayo din ay sinusugo ni Hesus na ipangaral at ibahagi ang Mabuting Balita sa lahat ng lugar. Tayong mga Filipino ay tinaguriang Evangelizers sa buong mundo. Ang mga OFW ay magandang halimbawa ng mga evangelizers. Ang mga OFWs natin ay laging handang tumulong sa kapwa. Kahit libre sige tayo sa paggawa ng mabuti.
Nawdy tanggapin natin ang tawag ni Hesus na maging alagad, may, taga ani, taga tulong, taga payo, taga dasal at taga hilom.
Pagpalain tayo ng Diyos at ingatan.
Father Arnold Abelardo CMF