Liwanag ang gabay!

Liwanag ang gabay!

At lumakad na nga ang mga Pantas. Muli silang pinangunahan ng talang nakita nila sa Silangan hanggang sa sumapit ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Gayon na lamang ang galak ng mga Pantas ng makita ang tala!”(Mt. 2:9-10).

Sa pamamagitan ng tala natagpuan ng tatlong Mago ang batang Hesus, ang Mesiyas. Sa buhay natin kailangan din natin ng tala o gabay upang hindi tayo mawawala sa ating paglalakbay. Lalong lalo na tayo bilang mga Migrante, kailangan natin ng gabay sa ating pamumuhay dito sa Hongkong. Karamihan sa ating kapananampalataya ay naliligaw at nawawala dahil walang gumagabay sa kanilang pagsasabuhay ng pananampalataya. Sila’y napapaniwala sa iba na mali daw ang ating pamamaraan at pagsasabuhay ng ating pananampalataya. 

Bawat isa sa atin ay tinawag na maging tala o gabay sa ating pananampalataya. Gabayan mo ang kaibigan mo, kasamahan mo tungo sa tunay at totoong liwanag na si Kristo. Tulad ng tala na gumagabay ng tatlong Mago tungo kay Kristo. Ating gabayan at akayin ang ating mga kababayan tungo sa liwanag. Dahil kung may liwanag, makita natin ang katotohan at doon tayo maninindigan. Tulad ng tatlong Mago, noong nakita nila si Hesus, nagbago ang kanilang paninindigan. Sila’y naging tapat na sa Diyos hindi na kay Herodes.  “Nang sila’y pabalik na, sinabi sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes. Kaya, nag-iba na sila ng daan pauwi.” (Mt. 2:12).

Sino ba ang naging tala sa buhay mo bilang OFW (Overseas Filipino Worker)? May mga tao na naging gabay o parang tala sa buhay natin. May mga Church volunteers tayo na nagpapasalamat sa kanilang mga kaibigan na naging intrumento kung bakit sila ay naglilingkod sa  Simbahan. Noong sa Pilipinas pa daw bihira lang nagsisimba. Noong dumating sa Hongkong at naakay ng kaibigan, hindi lang nagsimba, nag-lilingkod at tumutulong sa gawain ng simbahan. Ito ang tunay na pag-akay, ang ilapit sila sa tunay na liwanag, si Kristo. 

Dahil kung tanggapin natin ang liwanag ni Kristo ito ang magbubukas ng ating mga puso na magbago tulad ng tatlong Mago, sila’y nagbago noong makita nila ang tunay na Hari, si Hesus. Ang tala, ang liwanag ng Diyos ay magbibigay sa atin ng katotohanan.

Kapatid maging tala ka, maging liwanag ka upang makita ng ating kababayan ang daan tungo sa tunay na Simbahan.

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________