
Panginoon, palakasin nyo po ang aming pananampalataya.” Ito ang pakiusap ng mga apostol ni Hesus sa kanya. Palakasin ang kanilang pananalig at pagtitiwala sa Diyos.
Minsan, dumadaan tayo sa panghihina ng loob. Minsan parang hindi natin alam saan tayo huhugot ng lakas. Katulad ng mga apostol, sa Diyos mismo tayo humugot. Kay Hesus tayo lumapit at sumigaw at humingi ng lakas.
At tulad ng halimbawa ni Hesus sa butil ng mustasa, maliit sa lahat
ng mga binhi, pero king anduon ang ating pananampalataya eh walang imposible. Kung meron tayong tiwala sa Diyos walang imposible. Kung meron tayong pag-asa mula sa Diyos walang imposible. Kung meron tayong pagmamahal, lahat ay magagawa natin.
Anuman ang ating pinag- dadaanan sa buhay, tulad ng karamdaman o kahirapan o kalungkutan, kay Hesus tayo umasa at humawak. Si Hesus ang ating lakas at pag-asa.
Pagtitiwala, pananampalataya at pagmamahal na nakaugat kay Hesus ay madudulot ng paghilom at pag-asa. Pagpalain tayo ng Diyos at ingatan nya lagi.
.
Father Arnold Abelardo CMF