Ang pagsisisi sa nagawang pagkakamali ay nagbibigay ng kagalakan ng Diyos. Sa ating ebanghelyo nagalak ang Pastol noong nasumpungan N’ya ang kanyang nawalang tupa. At sa sobrang galak N’ya, siya ay nagdiriwang; “makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala.” (Lc. 15:6).
Ganon din sa isang babae na nawalan ng isang salapi. Noong nasumpungan N’ya, tuwang-tuwa S’ya at inaanyayahan ang kanyang mga kapit bahay para magdiwang; “makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak.” (Lc. 15:9).
At sa huling kwento ni Hesus, ang pagbabalik ng anak na naglustay ng kayamanan ng kanyang Ama. Hindi lamang tinanggap muli ang anak kundi meron pang kasiyahan at pagbubunyi.
May kasiyahan o pagbubunyi dahil may nakita, may bumalik, ang ibig sabihin, ang pagbabalik loob, ang pagbabalik kay Kristo ay isang kasiyahan ng ating Amang nasa langit.
Ang pagkakasala ay ang pagkakaligaw ng ating daan tungo sa kaharian ng Diyos. Sa kabila ng ating pagkakasala ang pagmamahal ng Diyos ay hindi nawawala. Ang Diyos ay humanap ng paraan upang atin S’yang balikan dahil ang tunay na buhay ay sa Diyos lamang matatagpuan.
Hindi maging ganap ang ating buhay kung wala ang gabay ng ating Amang nasa langit. Tulad ng bunso na tinalikuran ang kanyang Ama, S’yang nawala ng direksyon sa buhay dahil wala ang Ama na gumagabay sa kanya. Si Hesus ang ating gabay sa ating buhay. Siya ang ating daan, katotohanan at buhay.
Sikapin natin na makikinig kay Hesus. Ang tupa ay nawawala dahil hindi nakikinig sa Pastol. Pakinggan natin ang turo ni Hesus, ang mga gabay ng ating Simbahan upang hindi tayo mawawala sa ating pananampalataya. May nadadala ng ibang sekta dahil hindi nakikinig sa turo at gabay ng ating Simbahan. Kung ikaw ay naguguluhan ng turo ng Simbahan magtanong ka para ikaw ay maliwanagan. Ang problema kung tayo ay naguguluhan at nagtatanong sa ibang sekta ay doon tayo nadadala sa kanilang paliwanag.
May mga paliwanag ang Simbahan na hindi madaling tanggapin o intindihin. Hindi ibig sabihin na dahil mahirap intindihin hindi ito katotohanan. At ang katotohanan ay hindi lamang kung ano ang gusto o pabor natin. Mahirap man intindihin, kung ito ang katotohanan, ito ay dapat tanggapin at paniwalaan. Dahil sinabi ni Hesus, makipot ang daan tungo sa kanyang kaharian.
Ating papurihan si Hesus sa pamamagitan ng ating pagsisisi at pagpakumbaba na S’ya ang ating tunay at kaligtasan.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Father Jay Flandez SVD









