Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa

Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa


 

Paano ba maging misyonero? Ang iba tinawag maging pari o madre, at ang iba ay maging guro o duktor o isang manggagawa.  Tayong lahat, ayon sa ating binyag at pagiging bahagi ng Simbahan ay mga misyonero. Tayong lahat ay tinawag at hinirang ng Diyos para ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan. 

Sa ating mga OFW makikita ito sa kanilang buhay pananampalataya. Nuong ako ay nag misyon sa Hong Kong at Macau noong 1991, nakita ko kung paanong magtipon sa mga parke at iba’t ibang sulok ng syudad ang mga Pinoy pag day off nila. May maliliit na grupo at nagsasalu-salo sa pagkain at panalangin. Ang iba ay nasa simbahan at Catholic Centres para magdasal at mag kumustahan.  Kwento kwento at tawanan. May iyakan din at kantahan. Para sa akin ang mga pagtitipon na yun ay pag mimisyon at paglilingkod sa isa’t-isa. At pagdating naman sa trabaho ay sobra sipag ang mga OFWs as in todo efforts talaga kaya madaming employer eh gusto ang mga Pinoy kasi sila mismo nagtuturo sa mga bata paanong magdasal. At minsan pati buhay binibigay mismo. Yan ang witnessing na tinatawag, ang buhay pananampalataya  na ibabahagi sa iba. 

Si Hesus mismo ang tumatawag sa atin na mag misyon. Maglakbay at magbahagi ng pag-asa at pagmamahal.

At si Hesus mismo ang nagsabi sa atin na huwag tayong matakot o mangamba sa ating buhay pananampalataya dahil laging syang andyan para samahan tayo. Hindi naman madali at may problema tayong makakaharap. Pero kailangan tayong magtiwala. Hindi mo kailangan maging pari o madre para maglingkod. Nasa tawag ng Panginoon yan. Ang kailangan lang natin ay sumunod kay Hesus at mabuhay sa presensya nya. Madami daw ang tinawag pero kakaunti ang tumugon. Kaya kapatid, tara pakinggan natin ang tawag ni Hesus. Ibukas natin ang ating puso at paglingkuran sya araw araw sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Magdasal, magmahal,  magbahagi at maglingkod sa ating kapwa. Ang kapayapaan at patnubay ng ating Panginoon ay sumaiyo at sa inyong pamilya.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________