Mabuting lider!

Mabuting lider!

Bukas na ang ating “National Election”, ang pagpili ng mga Lider sa ating bansa. Maraming ng mga tensyon, mga diskusyon, mga palitan ng hindi magagandang salita para madepensahan lamang at ipaglaban ang ating kandidato. 

Bago pumili ang ating mga kababayan bukas, tayo nakapili na dahil mas maaga nagumpisa para sa mga OFWs, pinaalalahan tayo ng ating Ebanghelyo kung sino dapat piliin natin. Dapat tulad ni Hesus ang mabuting Lider, ang Mabuting Pastol. Dahil ang ating mga Lider ay dapat tulad ng isang Mabuting Pastol na mag-gabay sa atin tungo sa ating Ama. Hindi lamang magbibigay ng pang-kabuhayan dapat yung Lider na magbibigay inspirasyon upang ilapit tayo ni Hesus ang nagbibigay buhay.

Ang Lider ay dapat nakikinig sa atin. Paano nila masolusyunan ang ating mga problema kung hindi sila makikinig sa atin. Sinabi ni Hesus “Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman (Jn. 10:27-28).

Dapat ang Lider ay marunong makinig. Maraming problema ang ating bayan dahil ang pinakinggan lamang ang mga mayayaman. Ang mga mahihirap ay sumisigaw pero walang nakikinig sa kanila. Si Hesus nagpapa-alala sa atin, na ating pakinggan ang sigaw ng mga nasa laylayan ng bayan dahil sila ang tunay nangangailangan ng tulong ng ating pamahalaan. 

Ang isang Lider ay dapat pinahalagahan niya ang kapayapaan at pagkakaisa. Kung may pagkakaisa sa kabila ng ating pagkakaiba magkaroon tayo ng kasaganaan. 

“Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.” (Jn. 10:30).

Patuloy parin ang banta ng pandemya at maraming kababayan natin na hindi pa nakaahon dahil sa kawalan ng trabaho o pagkakakitaan para masuportahan ang pamilya. Kung ganito parin ang ating sitwasyon sa ating bansa magkawatak-watak tayo dahil walang pagkakitaan ang ating mga kababayan. Sila ay patuloy paring umaalis sa ating bansa upang magtrabaho sa ibang bayan. Ito ang dahilan bakit maraming pamilya na nagkawatak-watak dahil sa pagkakalayo ng bawat isa. Walang kapayapaan kung walang pagkaka-isa.

Kung si Kristo ang nasa buhay natin, malayo man tayo sa ating pamilya, magkakaisa parin dahil hindi na iniisip ang sariling kaligayahan kundi ang pag-ahon sa pamilya. Mga kapatid ipanalangin natin na gabayan tayo ng Banal na Espiritu Santo sa pagpili ng Mabuting Lider.

 

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________