
Ngayon ay Kapistahan ng Kristong Hari. Yun nga lang, si Hesus ay kakaiba sa mga hari na ating nakilala sa kasaysayan. Sa lahat ng hari kasi eh si Hesus ang walang palasyo at mga armadong tauhan. At bilang hari eh wala din syang lugar na nasasakupan o pinaghaharian.
Wala din syang aliping tagapag lingkod o utusan. Sa totoo lang sya pa nga ang naghugas ng mga paa ng kanyang mga alagad at tinawag pa nya silang mga kaibigan. At ang masaklap panung si Hesus ay ipako sa Krus ay may karatulang inilagay sa kanyang ulunan at nakasulat ay “Hari ng mga Hudyo”. Pero wag ka, nilagyan sya ng koronang tinik sa kanyang ulo.

Ibang klaseng kaharian at paghahari kasi ang tinutukoy ni Hesus. At yan ay katotohanan at pagmamahal.
Kaya nga sabi ni Hesus kay Pilato, “Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito”. Dahil ang pag unawa ng mga tao sa kaharian ay kapangyarihan, kayamanan at kasikatan.
Yun bang may luho at karangyaan. Yan ang maka mundong kaharian na nakikita natin sa ilang lider ng mga bansa o bayan. Pero kay Hesus iba. Para kay Hesus mahalaga ang pakikinig at pagiging totoo.
Ang ating Kristong Hari ay tagapag lingkod. Tagapag pagaling ng mga maysakit. Mababa ang kanyang loob at lagi nyang iniisip ang mga maysakit at mga dukha. At yan ang magandang turo ni Hesus sa atin na tayo’y maglingkod at hindi maghariharian. Ang tayo’y mag bahagi at hindi kumamkam o magnakaw.
Ang tayo’y gumawa lagi ng mabuti at hindi masama sa kapwa. Sa kaharian kasi ni Hesus lahat ay pantay pantay at walang mayaman o mahirap. Kaya kapatid hayaan natin na ang pag ibig ni Hesus ang maghari sa ating mga puso.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Ialay natin lahat sa Diyos ang ating mga alalahanin sa buhay. Magtiwala tayo sa kanyang pagmamahal. Nawa’y manahan sa ating mga puso, tahanan at pamilya ang katotohanan at pag ibig ng Diyos.
• Father Arnold Abelardo CMF