
Ang Linggo ng Palaspas o ang tagumpay na pag- pasok ni Hesus sa Jeru- salem ay ang simula ng ating pagdiriwang ng mahal na araw. Tinanggap ng mga tao si Hes- us sa lungsod ng Jerusalem sa pamamagitan ng kanilang pag- sisigaw, “Hosanna! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Pagpalain nawa ang kaharian ang ating amang si David, na muling itinatatag! Purihin ang Panginoon!” Ito ang sigaw ng mga tao. Sabik na sabik na silang matupad ang pangako ng Pangioon na sila’y iligtas sa mga kamay ng kanilang manana- kop. Gusto na nilang makalaya sa kamay ng mga Romano. Ang palaspas na kanilang iwinagay- way ay simbolo ng kanilang pagasa. Dumating na ang kanilang pagasa, ang Anak ni David.
Lahat tayo ay gustong mapalaya sa ating kalagayan na hindi kaayaya. Karamihan sa atin ay gusto ng bumalik sa ating bayan para makasama ang ating mga mahal sa buhay.
Pero nandito pa rin tayo dahil sa kawalan ng trabaho sa ating bayan. At dahil gusto natin kumi- ta ng mas malaki para ma-supor- tahan natin ang ating pamilya. Pero, mas gusto ng Diyos na mapalaya tayo hindi lamang sa ating materyal na pangangailan- gan, kundi sa ating espiritwal na pamumuhay. Ito ang dahilan na pumasok si Hesus sa lungsod ng Jerusalem upang tuparin ang kalooban ng Ama para sa ating kaligtasan.
Sa pamamagitan ng krus, tayo ay iniligtas ni Hesus. Ang pag- mamahal ng Ama na handang mag-alay ng kanyang bugtong na anak upang hanguin tayo sa kadiliman at dalhin sa liwanag at kaligtasan.
Noong nalaman ng madla na si Hesus ay ipako sa krus, naka- limutan na nila ang kanilang palaspas. Nakalimutan na nila, na si Hesus ang kanilang pag- asa. Noong nakita nila si Hesus sa hukuman, ay parang pinabayaan at hindi ipininaglaban ng kan- yang mga kaibigan, nawala ang kanilang pag-asa at tumalikod na at ang sigaw din nila ay; “ipako sa krus, ipako sa krus!”
Ang ating bayan sa taong ito ay nagdiriwang ng “500 years of Christianity.” Nawa’y hindi natin iwanan ang ating pangako sa bin- yag na sumunod kay Hesus, hang- gang sa krus.
Sa kabila ng mga hamon ng ating Simbahan tayo ay han- dang humarap dahil hindi tayo pababayaan ng ating Diyos. Hin- di binitiwan ni Hesus ang krus, dahil ito ang pag-asa natin para makamtan natin ang ating kalig- tasan.
Ang ating palaspas ay ang pag- tanggap natin kay Hesus hang- gang sa krus.
• FatherJay Flandez SVD