Handa ka na ba?

Handa ka na ba?

Malapit na ang Pasko. Malamig na ang panahon. Busy na ang madaming tao sa paghahanda. Nag-iisip na ng pang regalo si Ate at si Kuya para kila nanay at tatay. Ang mga bahay naman eh inihahanda na ang mga Christmas lights at Christmas tree. Masaya ang lahat. Iba talaga ang amoy at simoy ng Pasko na darating.

Ikaw ba naghahanda na din? Game ka na ba? Si Juan Bautista ay may panawagan sa atin na maghanda. Padating ang ating Panginoon. Ang manunubos. At sa pagdating ni Hesus, game ka na ba? Me regalo ka ba sa kanya? Bukas ba ang puso mo?

Itong panahon ng Adbyento tayo eh tinatawag na maghanda. Manalangin, magpakabuti, mag bahagi, magmahal at mag patawad. Ihanda natin ang daraanan ni Hesus. Ihanda natin ang aing mga puso para makatuloy sya. Magsisi tayo sa anumang pagkakamali sa ating kapwa. Magpakumbaba sa harap ng Diyos na sa atin ay nagmamahal. 

Hanapin natin ang liwanag na dulot ni Hesus. Sa kabila ng pandemya at bagyo ng ating buhay, kumapit tayo kay Hesus, hintayin natin sya ng may pagtitiwala at pag-asa. Si Hesus ang sa atin ay magliligtas. Sana katulad ng boys scouts at girls scouts, tayo ay laging handa. 

Halina Hesus halina at manahan ka sa aming puso. Kami ay iyong iligtas at palakasin.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________