
Ang Diyos ay mapagbigay. Alam nya ang panga-ngailangan natin. Sya ang Ama na nagbibigay ng ating kakanin sa araw araw. Sya ay butihin at ma-alalahanin. Ang milagro ng isda at tinapay ay pagpapakita ng pagmamahal at malasakit ni Hesus sa atin. Tayo ay bahagi ng himala. Tayo ay tinatawag ni Hesus na magbahagi at magpakain sa mga dukha na walang inaasahan kundi ang Diyos. Mahal ng Diyos ang mga dukha.
Sa gitna ng pandemya na dulot ng corona virus, tayo ay inaanyahan ni Hesus na maging mabuti at mapagbigay. Marami ang nawalan ng trabaho at marami din ang nagkasakit. Tayo ay tinatawag ng Panginoon na magpakain sa mga nagugutom, magpainom sa nauuhaw, damitan ang mga hubad at patuluyin ang mga walang matirhan. Huwag nating ipagtabuyan ang mga nangangailangan. Maging mahabagin tayo at matulungin. Tingnan natin sa ating pamilya at komunidad, sino kaya sa kanila ang may panga-ngailangan? Sino kaya sa kanila ang maysakit at kailangan ang tulong ko? Matuto nawa tayo sa kaganda-hang loob ng Diyos. Magbahagi nawa tayo sa mga dukha. Magdasal at mag tiwala tayo sa Diyos. Hindi nya tayo pababayaan. Hindi tayo iiwan ng Diyos. Kapit lang at tiwala sa kanyang kalooban. Mahal tayo ng Diyos at hinding hindi nya tayo pababayaan.
• Father Arnold Abelardo CMF