Mahal ng Diyos ang daigdig

Mahal ng Diyos  ang daigdig

Ang Diyos ay pag-ibig at tayong lahat ay kanyang minamahal. Ayon kay San Juan, ganon na lamang ang pag-ibig na Diyos sa atin kung kaya’t ipinadala nya ang kanyang bugtong na Anak na si Hesus para sa ating kaligtasan.

Mahal tayo ng Diyos at ayaw nya tayong mapahamak. Hangad ng Diyos ang kaligtasan nating lahat.

Sa gitna ng Pandemia na dulot ng COVID-19, hindi maiiwasan na tayo ay makadama ng takot at pangamba. Madaming mga OFWs nag nag uuwian dahil sa kawalan ng trabaho o pagsara ng kumpanya. Ang ilan ay dinapuan ng sakit. 

At sa gitna ng mga pagsubok na ito, nawa’y ating madama na ang Diyos Ama, ang Anak at Espiritu Santo ay patuloy sa ating gumagabay at nagliligtas. 

Mahalaga na tayo ay manalig at mag tiwala sa pag-ibig ng Diyos. Ang tayo’y tumawag at lumapit sa kanya ng may kababaan ng loob. 

Mahal tayo ng Diyos na may likha ng langit at lupa. Mahal tayo ni Hesus na nag alay ng buhay  para sa ating kaligtasan. Mahal tayo at pinagpapala ng Espiritu Santo na ating Gabay at patnubay. Iisang Diyos na sa ating nagmamahal, nagliligtas, nagpapagaling at nagpapatawad. 

Pagpalain po tayo ng Diyos Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

• Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________