Alay Lakad!

Alay Lakad!

Sa araw ding iyon ng Linggo, ang dalawang alagad ni Jesus ay naparoon sa isang nayon ng tinatawag na Emmaus. Pinag-uusapan nila ang tanang bagay na nangyari. Samantalang sila ay nag-uusap at nagtatanungan, lumapit si Jesus at sumama sa kanilang paglalakad, ngunit hindi siya nakilala.” (Lc. 24:13-16).

Sa kanilang paglalakad sina-samahan sila ni Hesus, at dahil sa kanilang kalungkutan na nawala na ang kanilang Guro at Panginoon, hindi nila nakilala si Hesus na sumama sa kanilang paglalakad. Sila ay naka “focus” sa pagkamatay ni Hesus. 

Ganon din tayo, kung ang binigyan pansin lamang natin ay takot, pagkabahala sa pangyayari ng atin lipunan, hindi natin maramdaman na ang buhay na Panginoon ay kasama natin. 

Sa kabila ng ating situwasyon na ating pamayanan, sinasamahan parin tayo ng Diyos. At dahil kulang ang ating pananalig, akala natin nakalimutan at iniwanan na tayo ng Diyos. Patuloy ang ating paglalakbay bilang isang Simbahan, at sa ating paglalakbay ang Salita ng Diyos ay ang ating gabay. 

Sa kanilang paglalakbay ang mga alagad ni Hesus ay patuloy pa ring nag-aral ng Salita ng Diyos. Sila ay nagkwentuhan tungkol kay Hesus. 

At si Hesus ay nangaral sa kanila; “Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan? At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta. (Lc. 24: 26-28). 

Nawa’y sa ating pamumuhay ating bigyan ng panahon ang Banal na Salita ng Diyos. Dahil ang Banal na Salita ay nagbibigay ng buhay at sigla sa ating paglalakbay sa mundong ito. 

Ang Salita ng Diyos ay maging buhay kung ito ay sinasabuhay natin sa ating paglakbay. Hindi ganap ang ating buhay, bilang mga Kristiyano kung hiwalay tayo sa Banal na Salita ng Diyos. 

At hindi ganap ang Salita ng Diyos kung walang Banal na Eukaristiya. Ang  Banal na Eukaristiya ay nagbibigay buhay sa ating paglalakbay patungo sa kanyang Kaharian. 

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Ang Banal na Eukaristiya ay ang kapunuan ng Salita ng Diyos. “Nang Siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpapasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulan!” (Lc. 24:30-32).

Dahil sa Banal na Eukaristiya nabuksan ang kanilang isip at puso na kasama pala nila si Hesus sa kanilang paglalakbay! Mahalaga sa atin ang Banal na Eukaristiya dahil ito ang nagbibigay sa atin ng lakas upang patuloy tayo sa ating paglalakbay. 

Banal na Salita gabay at liwanag sa ating paglalakbay at Banal na Eukaristiya lakas ng ating pag-mimisyon!

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________