Sya na nga ba?

Sya na nga ba?

Gusto ni Juan Bautista na masiguro kaya pinatanong nya mismo si Hesus kung sya na nga ba. O may iba pa? Kaya ito ang sagot ni Hesus.

“Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!” 

Ngayon panahon ng Adbyento, tayo din ay naghahanap at nagtatanong. Gusto nating makasiguro. Ang Salita ni Hesus ang tangi nating pinanghahawakan at kailangan nating magtiwala. Huwag ng mag alinlangan pa. Si Hesus ang ating pagasa, kaligtasan at tagapag- hilom. Si Hesus ang ating hinihintay sa Paskong darating. 

Naway maging bukas ang ating mga puso sa kanyang pagdating. Maging mabuti tayo sa ating kapwa lalo na sa mga dukha, mga bulag, pilay at mga maysakit. 

Halina Hesus, halina at manahan ka sa aming buhay. Pagalingin mo kami at iligtas. Halina Hesus, halina. Amen.

  • Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________