Mabuting Pastol!

Mabuting Pastol!

S

inabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas.” (Jn. 10:7-9).

Si Hesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Ang tunay na buhay ay ating makam tan kung si Hesus ay kasama natin sa ating paglalakbay, dahil S’ya ang nagbibigay buhay. Sabi ni Hesus, “Ako ang pintuan, ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko’y maliligtas.” Ang daan para sa ating kaligtasan ay kay Hesus lamang matatagpuan. Si Hesus ang nagpapakasakit, ipinako sa krus upang atin makamtan ang kaligtasan ang ating tunay na kalayaan.

Ang Binyag ay mahalaga dahil sa Binyag, tayo ay naging bahagi sa katawan ni Kristo. Kung si Kristo ay muling nabuhay, tayo bilang bahagi ng kanyang katawan N’ya ay may pag-asang mabubuhay din at magkamit ng buhay na walang hanggan. Ang pagtanggap sa Sakramento ng Binyag ay ang pag-limot sa ating sarili upang tayo ay mabuhay kasama si Kristo.

Upang tayo ay mabuhay, bilang bahagi sa katawan ni Kristo, ating pakinggan ang salita ng Diyos, ating pakinggan si Kristo ang ating mabuting Pastol, upang hindi tayo mawawala sa ating paglalakbay tungo sa tunay na buhay. Hindi tayo mawawala sa ating paglalakbay kung ang boses ni Hesus ang ating pakikinggan. Maraming nawawala, at “nabubudol” dahil hindi ang katotohanan ang kanilang pinakikinggan. Maraming mga “fake news” sa panahon ngayon. Nawa’y mapanuri tayo sa mga balita, sa mga salita na ating nababasa. Hindi lahat na ating nababasa sa “social media” at totoo.  Ang tunay na Kristiyano ay nakikinig sa tunay na tinig ng ating Mabuting Pastol. “Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala sa kanyang tinig.” (Jn. 10:3-5).

Para hindi tayo mawawala sa ating paglalakbay ating pakinggan at sundan ang tinig ni Hesus, ang ating Mabuting Pastol. 

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________