Tamang ugali sa pagdalo ng Banal na Misa!

Tamang ugali sa pagdalo ng Banal na Misa!

Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan? tanong niya. Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas.” (Mt. 22: 11-13).

Kawawa naman ano? Di ba utos ng Hari na mag-imbita kung sino man ang makita sa daan ay “welcome” sa kasalan, sa handaan. Ano ba ang punto sa ating ebanghelyo? Lahat tayo ay tinawag para sa isang espesyal na handaan, ang Banal na Misa. Kung tayo ay dadalo sa Banal na Misa dapat ang ating ugali, “attitude” ay maganda. Si Hesus ang nasa Eukaristiya at dapat may puso tayong nagpakumbaba at handang makinig sa Salita ng Diyos. At dapat kung tayo ay nasa loob ng simbahan iwasan natin ang kwentuhan, sa halip maki-pag-kwento, makipag-usap tayo sa Diyos. Di ba ang ating layunin bakit tayo pumasok sa simbahan ay para sambahin ang Diyos. At dapat ang ating pananamit ay kaayaya sa Diyos, hindi naka-disturbo sa iba. 

Kung tayo ay dadalo ng Banal na Misa dapat ang ating ugali ay may pusong nagpakumbaba. Ibig sabihin magpakumbaba tayo sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kapwa. May mga dumadalo ng Banal na Misa pero ang puso ay puno ng “pride” o sobrang pagpapahalaga sa sarili. Hindi nagpapatawad sa kapwa. Kung ito ang nasa puso natin, maging katulad tayo sa tao, sa ating ebanghelyo na hindi nagdamit ng tama. Kung tayo ay namuhay sa kasalanan  at hindi pumunta sa kumpisalan at dumadalo ng Banal na Misa tayo ay tulad sa taong hindi nagdamit ng pangkasalan. 

Ano ang ginawa sa kanya? Ginapus at tinapon sa kadiliman. Ayaw natin na mapunta sa kadiliman. Sa sunod mong pagdalo ng Banal na Misa, maghanda ka, itama mo ang buhay mo, magpatawad ka, at pumunta sa kumpisalan para humingi ng kapatawaran sa nagawa nating kamalian at kasalanan. Ito ang dapat ugali sa isang dadalo ng Banal na Misa. 

Tandaan natin ang Banal na Misa ay isang pagtitipon na kasama natin si  Hesus. At dahil kasama natin si Hesus, magdamit tayo ng maayos, na kaayaya sa Diyos. Ihanda ang puso at isip para tunay natin mapurihan ang Diyos. 

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________