Panginoon Hesus Mahabag po kayo sa akin

Panginoon Hesus Mahabag po kayo sa akin

Sa gitna ng pandemya, ito ang panalangin ng marami sa atin. Ang kahabagan tayo at pagalingin ng Diyos. Ang paghilumin ng Panginoon ang ating mga karamdaman, maging ang karukhaan na ating pinagdadaanan. 

Katulad ng babae sa Ebanghelyo na walang inaasahan kundi ang Diyos, idinulog nya kay Hesus ang karamdaman ng kanyang anak. Hindi sya nahiya, hindi sya nag alinlangan. Nag makaawa sya at nanalig sa kapangyarihan ni Hesus. At nakita ni Hesus ang kababaang loob ng isang ina na nagmakaawa para sa kanyang anak. 

Nakita ni Hesus ang pananampalataya ng babae kayat pinagaling nya ang maysakit na anak. Kahit na inisnab na sya ni Hesus eh sige pa din sya sa pag tawag at paglapit “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin”… Minsan siguro feeling natin iniisnab tayo ni Lord at parang di tayo nadidinig. Sige lang isigaw mo lang. Tiwala lang ke Lord. Sumampalataya lang tayo sa kanya..walang imposible sa kanya. Paggagalingin nya tayo sa ating mga sakit. Hindi nya tayo pababayaan. Kasi, Mahal tayo ng Diyos.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________