Pagsisi ay daan sa Pagbabagong Buhay!

Pagsisi ay daan sa Pagbabagong Buhay!

Kaya’t sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!’ Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!’” (Lc.13:8-9).

Mapagmahal ang ating Panginoon at matiyaga sa ating kahinaan. Hindi sumusuko ang Diyos sa pagmamahal sa atin. Bagkus tayo ay binigyan ng maraming pagkakataon upang magbago at talikuran ang mga kasalanan. Ang tunay na nagmamahal sa kapwa ay hindi sumusuko na gabayan at tulungan ang ating kapatid sa kanyang pagbabagong buhay. Kailangan natin ng tiyaga upang hindi tayo manghina o susuko sa pagtulong sa ating kapwa. Ito ang sinabi sa ating ebanghelyo, ‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!’. Habang tayo’y nabubuhay binibigyan tayo ng Diyos ng panahon upang magbago.

Ang mga pangyayari sa ating lipunan ngayon ay isang hamon upang ipakita ang ating pagka-Kristiyano. Huwag natin hayaan na ang ating pampulitika na pananaw ang mag-sira sa ating komunidad, sa ating pagkakaibigan. Ang ating dapat ipaglaban ay ang kaharian ng Diyos. Ating ipaglaban ang kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng ating pananampatalaya at pagpapalaganap ng mabuting balita. Ang katotohan ang magpapalaya sa ating bayan.

Kung ating pakinggan ang ating mga galit, ating emosyon hindi natin makikita ang tama at katotohanan. Ang emosyon ang nagpabulag sa katotohanan. Ito ang dahilan na maraming maling inpormasyon ang nagkalat para tayo’y lituhin sa tama at katotohanan. Nawa’y mapanuri tayo sa panahon ngayon. Huwag mong hayaan na ikaw ay mabudol sa mga maling impormasyon. 

Hayaan natin ang salita ng Diyos ang maging daan upang ang katotohanan ang magbagay sa atin. At ang katotohanan ay; tayong lahat ay may kabutihan, at may pag-asang magbago. Magpasalamat tayo sa Panginoon, sa mga taong pinadala ng Diyos upang tayo ay gabayan at tulungan. Gamitin natin ang mga panahon na ibinigay ng Diyos sa atin upang magbago habang may lakas pa tayong gumawa ng kabutihan. 

Sa panahon ng Kuwaresma, hinamon tayo upang magbalik loob sa Diyos at magpatawad sa kapwa. Hindi maging ganap ang ating pagka-Kristiyano kung hindi natin makamtan ang pagbabago at pakikipag-kapwa tao.

Ang hamon sa Kwaresma ay pagbabago sa sarili upang makamtan ang tagumpay ni Kristo. 

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________