
Kung gusto mong maging dakila ay dapat kang maging lingkod”
Normal na o human nature sa atin ang laging gustong mauna mapa pila o sa school sa trabaho o anumang contest. Ah basta ako dapat ang pinaka the best o pinaka dakila sa lahat. Minsan gusto nating malapit sa mga sikat na artista o politiko o mayamang tao. Iba kasi ang dating pag nakadikit o masabihan na kanang kamay ng mayaman.
At sila Santiago at Juan ay ganon nga ang hangad. Gusto nilang mag siguro na malapit sa Diyos. Na sila ang una. Kaya nga hindi maganda ang reaction ng ibang alagad. Kung sa atin yun sasabihan natin sila ni Juan na mapapel at sipsip.
Pero itinama sila ni Hesus. Itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad ang kahulugan ng pagiging lider o dakila. Ang pagiging pinuno o lider ay paglilingkod. At sa Kaharian ng Diyos walang palakasan o pagalingan. Ang kaharian ng Diyos ay kababaang loob at paglilingkod.
Para kay Hesus kung gusto mo o handa kang maging dakila, eh dapat handa kang magsilbi at magbigay ng sarili sa kapwa. Maliwanag ang sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad at sa atin ngayon “ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng lahat.” Ito ang ating bokasyon at tanda na pagiging tagasunod ni Hesus. Ang maglingkod at magbigay ng buhay at sarili sa ikabubuti ng lahat. Ang pagiging lider ay pagiging lingkod. Anuman ang ating gawain o trabaho o talento sa buhay, gamitin natin ito para sa kabutihan ng ating kapwa.
Father Arnold Abelardo CMF