
May lumang kasabihan sa Pilipinas na “Ang pag a-asawa ay di parang kanin na isusubo at pag napaso ay iluluwa” kasabihan na malalim ang kahulugan. Ang pag iisang dibdib ay sagrado at seryosong desisyon ng magkapareha. Bagamat sa panahon natin ngayon ay ibat iba ang estado ang mga relasyon ng mga tao, napakahalaga na makita ang biyaya ng pag aasawa bilang sagradong desisyon ng 2 pusong nag mamahal at gustong maging isa sa mata ng Diyos at ng tao.
Ipagdasal natin ang mga mag asawa na patuloy na mahalin ang isat isa na may respeto at pagtatangi. Walang relasyon na perpekto, pero pag kasama ang Diyos sa pag sasama mas tumitibay ang pagiging mag asawa. Ang mag asawa na may takot at Pagmamahal sa Diyos at sa isat isa ay magsasama ng maayos.
Mahalaga din na makita natin ang biyaya ng mga bata sa mag asawa at sa ating pamilya. Ang pagmamahal sa mga bata at pag iingat sa kanila ay responsibilidad nating lahat. Ang kanilang proteksyon. At ayun din kay Hesus “ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.” Tayo ay tinatawag magkaroon ng puso na mababa ang loob at mapag tanggap tulad ng mga bata. Ang mag asawa; ang magkapatid, ang magulang na madasalin at tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng mga bata ay pamilyang malapit sa Panginoon. Sabi nga “A family that prays together, stays together”. Ang Pamilyang sama-samang nanana-langin ay nananatiling magkasama.
Ipagdasal natin ang lahat ng mag asawa at pamilya para sa maayos na pagasasama at pagmamahal sa isat isa.
Father Arnaldo Abelardo CMF