Pagsunod, pagpasan at paglilitas

Pagsunod, pagpasan at paglilitas

Minsan me biruan tayo sa kaibigan na “Who you ka sakin” na biro na parang di na kita kilala kasi nagbago ka o hindi ko naibigay ang gusto mo Kaya ikaw ay others na o outsider. 

Imagine natin si Hesus na nagtatanong sa kanyang mga alagad at kaibigan kung sino sya para sa kanila. Pero ang tanong ni Hesus eh walang yabang ha. Hindi tulad ng isang politiko na pag napahinto sa trafffic eh sasabihin agad sa pulis na “Kilala mo ba ako” na me yabang ang dating. 

At sa tanong ni Hesus sumagot sila ayon sa narinig sa iba. Pero si Pedro nakilala nya si Hesus “Kayo ang Kristo” na ibig sabihin ay pagkilala na Tagapagligtas. Pero yun lang medyo mababaw pa pagkilala ni Pedro kay Hesus at mukang pa feel good. Hindi pa nya ma gets na kailangan may hirap na pagdaanan ang Anak ng Diyos. Para ke Pedro dapat good lahat. At dahil mahal ni Hesus ang mga alagad nya eh itinama naman nya at sinabi, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin”. 

Tinatawag tayong sumunod kay Hesus. At kasama sa pagiging tagasunod at alagad nya, kailangan magpasan ng Krus. Hindi puro sarap. Me sakrispisyo at pagbibigay ng sarili. Dahil sa Pagsunod at Pagpasan ay duon natin makakamit ang Pagliligtas ng Diyos. Sumunod at maging tapat kay Hesus. Maglingkod sa kapwa. Tumanggap ng pasakit o pagsubok. 

Ikaw ba kapatid, sino si Hesus para sayo? Paano ka nakakasunod sa kanya? Handa at. bukas ka ba sa pagpasan ng Krus mo araw araw bilang tanda ng pagsunod kay Hesus at paglilingkod sa kapwa? 

Magdasal po tayo. Suriin natin ang ating isip at puso. Kilala ba natin si Hesus? Handa ba tayo sumunod sa kanya at magbuhat ng Krus? Gusto mo ba mas makilala si Hesus? Sabi ng isang Santo, “Ignorance of the Bible is igorance of Christ”. Kilalanin natin si Hesus para mas makasundo tayo sa kanya. Dahil pag kasama natin si Hesus, kaya natin buhatin ang Krus at sumunod sa kanya. Sabi naman sa atin ni Hesus sa Bibliya na hindi nya tayo pababayaan o kakalimutan hanggang sa huli.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________