Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!

Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!

Panahon ng Adbyento at sa PILIPINAS ay masaya ang pagdiriwang ng Simbang Gabi. Lahat naghahanda at nag Aayos ng bahay. Ready na ang Christmas tree at lights. Kasi nga malapit na ang Pasko. Parating na si Hesus. At magandang pag nilayan ang tawag ni Juan Bautista na “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’”. Sabi ni Juan mag handa tayo at ituwid ang ating buhay. Ihanda natin ang dadaanan ni Hesus.

Ok naman at maganda ang mga palamuti sa ating bahay. Ok naman na mag-ready tayo ng regalo. Ok naman na maghanda tayo ng masasarap na pagkain. Pero huwag nating kalilimutan ang sentro at puso ng paghahanap sa Pasko. Si Hesus mismo ang sentro ng pagdiriwang. Sya ang puso ng Pasko. Si Hesus ang panawagan ni Juan Bautista na ating tuwirin ang daraanan ng Panginoon! 

Ihanda natin ang ating mga puso sa pagdating ng Panginoon. Kung me galit o sama ng loob eh bigyan nating ng puwang ang kapayapaan at pagkakasundo. Kung may dilim sa ating isipan ay hayaan natin si Hesus ang ating maging liwanag. 

Sa Paskong darating handa ka na ba sa pagdalaw ni Hesus? May  regalo ka ba sa kanya? May lugar ba si Hesus sa buhay mo at iyong pamilya? Tara ituwid natin ang daan at tahakin natin ang landas ni Hesus. Sundan natin ang kanyang liwanag. Sya ang ating kaligtasan.

Ituwid mo ang pamumuhay mo para ka makatawid sa buhay na walang hanggan.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________