
Tayong mga Pilipino eh hindi pahuhuli pagdating sa handaan o Fiesta. Laging bongga at madaming lutong pagkain. Mahirap ng mapahiya sa mga bisita. At kung tayo naman eh dadalo sa piging o handaan eh lagi tayong todo bihis talaga. Sa Hongkong nga pag Sunday di ba at ang mga Pinoy birthday eh laging me handaan at picnic sa mga parke ay madalas eh salo salo ang mga magka kaibigan.
Sa Ebanghelyo itinulad ni Hesus ang Paghahari ng Diyos sa isang piging o salosalo. Isang handaan. Kaya nga ang paanyaya eh para sa lahat “Halina kayo sa piging” at makisalo o maki celebrate. Lahat ay imbitado sa piging ng Panginoon. Parang tayo sa Pilipinas. Eh tayong mga Pinoy pag kasalan eh talagang engrande at masaya. Ganon din pag may binyag o birthday. At hindi lang kainan, me pa Sharon pa o pabaloy pauwi.
Sa ating pagninilay mahalaga na makuha natin ang mensahe ni Hesus na lahat tayo ay welcome at imbitado sa handaan nya. Pero mahalaga na pag dalo natin sa handaan eh handa din tayo sa kasuotan. Hindi naman pwedeng maging gate crasher lang tayo. At isa pa sa ating mga Pinoy di tayo sanay sa RSVP, at pag naayaang isa eh asahan mo na me kasama syang dalawa o sampo. Todo talaga. Ay ganon sana tayo sa paanyaya ni Hesus. Tara na at dumalo tayo sa piging nya sa Misa, sa Panalangin at Pananampalataya. At magsama tayo ng iba pa. At syempre dapat ready tayo Hindi lang sa pananamit o kagamitan. Higit sa lahat ay handa ang ating kalooban sa pagdalo sa piging ng Panginoon. Dumalo tayo ng bukas sa ating puso. At sa piging ng Panginoon ihain din natin sa Panginoon ang ating sarili. Dahil sa Hapag at Piging ng Panginoon tayo lahat ay welcome. Tayong lahat ay kasalo. Tayong lahat ay may bahagi. Ay ang maganda sa piging ng Panginoon lahat tayo pwede mag Sharon o magbalot ng iuuwi at ibabahagi sa iba. Pagibig, Pagasa, Pagpapatawad at Pananampalataya. Kaya tara na at sabi nga ni Hesus “Halina kayo sa piging!’” O ano pa hinihintay mo? Tara lets na.
Father Arnold Abelardo CMF