Makapito po ba?

Makapito po ba?

Ilang beses nga ba natin pwede o kailangang patawarin ang nagkasala sa atin?   Kay Pedro pwede na sa kanya ang  pitong beses. Pero para kay Hesus hindi lang pitong beses kundi pitumpong beses na ulit. Kung baga ay unli patawad. 

At ito naman ang turo ni Hesus sa atin. Ang dasal na Ama Namin na turo ng Panginoon sa kanyang mga alagad ay maliwanag “patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.” Ibig sabihin, walang bilang o limit ang pag- papatawad. Una dahil ang Diyos ay mapagpatawad at sa kabila ng dami ng ating kasalanan ay lagi syang nag papatawad at tumatanggap sa atin. 

Pero sabi nga nila tao lang tayo at nasasaktan pag may nagkasala sa atin. Lalo na pag may betrayal, o pag may nag utang at ayaw pa magbayad at iba pang nakaksakit na sitwasyon. 

Dito natin maaaring palalimin ang ating pananampalataya, ang mag patawad na nakaugat sa pagmamahal ng Diyos. Dahil ang Diyos ang unang nagpatawad sa atin at tayo ay tinatawag na mag patawad din.

Actually pag tayo ay nagpatawad, hindi naman para lang iyon sa nagkasala sa atin. Sa ating pag paoatawad pinalalaya natin ang ating kalooban sa galit o sama ng loob. Sa ating pagpapatawad kinikilala natin na tayo din ay makasalanan na umaasa sa habag ay pagmamahal ng Diyos. At tayo ay kailangan ding magpatawad. Ang pagpapatawad ay hindi pangungunsinti. 

Ito ay personal na agpapalaya sa galit. Sabi nga ni Hesus “mahalin natin ang ating mga kaaway”’o mga taong nakasakit sa atin. Ipagdasal natin sila. At sa bawat paghingi natin ng tawad sa Panginoon, isipin natin kung sino ang nangangailangan din ng ating kapatawaran. Ipagdasal natin sila. Ipasa Diyos natin ang lahat. 

Naway kahabagan tayo ng Diyos at turuan tayong mahabag din sa ating kapwa.

Father Arnold Abelardo, CMF

___________________________________________________________________________