Magpakumbaba para may gantimpala! 

Magpakumbaba para may gantimpala! 


 

Ayaw natin sa mga taong mayayabang, na ang tingin nila sa kanilang sarili ay sila lang ang importante sa kanilang pamayanan. Ang ganitong klaseng tao ay hindi nagpapahalaga sa kanilang kapwa. Para sa kanila mas importante sila kaysa iba. 

Ang buhay Kristiyano ay buhay na marunong magpapahalaga sa kapwa tao. Hindi ang sariling kapakanan ang iniisip kundi ang makakabuti para sa karamihan. 

Tulad ni Kristo, S’ya ay pumarito para iligtas tayo, at ibinigay N’ya ang kanyang buhay, S’yay nagpakumbaba upang tanggapin ang krus para sa ating kaligtasan. 

Sa ating Ebanghelyo sa Linggong ito, pinaalalahanan tayo ni Hesus na maging lingkod sa lahat ng tao. Dahil ang tunay na taga-sunod ni Kristo ay handang i-sakripisyo ang sarili upang paglingkuran ang kapwa ang sundin ang kalooban ng Diyos. 

Ang taong nagpakumbaba ay hindi makasarili at hindi mapagmataas. Sa ating ebanghelyo ang taong mapagmataas ay namimili ng upuan para lang sana sa piling panauhin. Gusto niya na mapansin siya sa mga tao. Tandaan natin ang tunay na alagad ni Kristo ay nilimot na ang sarili. Hindi na ang sarili ang mapansin kundi si Kristo na sa pamumuhay niya. Kung tayo’y tunay na nagpakumbaba malamang si Kristo ang makikita sa buhay natin hindi na ang sarili natin. Ito ay ang hangarin natin bilang tumanggap ng binyag. Si Kristo ang itataas sa buhay ng isang Kristiyano.

Ang taong may pusong mapagpakumbaba ay marunong maglingkod na walang kapalit. Sabi ni Hesus sa ating pagbasa; “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapit bahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihan ka na ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.”(Lc. 14:12-14).

Ang taong nagpakumbaba ay may gantimpala!

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________