
May nagtanong na ba sayo kung mahal mo sya? O may natanong ka na ba kung mahal ka nya? Mahalaga ang tapat na kasagutan sa tanong na ito. Mahirap ng maloko o umasa di ba.
Minsan sa ating buhay darating yung araw na may lungkot at may saya. Katulad ng mga apostol halos buong magdamag na walang huling isda. Siguro naisip nila kung anduon lang si Hesus eh tiyak me hulii sila.
Pero tingnan mo nga naman, yung akala nila na wala na eh nagpakita si Hesus at ang dami nilang nahuling isda.
Sa buhay natin minsan eh parang walang huling isda. Minsan parang nawawalan tayo ng pagasa. Minsan natatanong natin kung asan ang Diyos sa gitna ng kawalan. At sa Ebanghelyo ngayon nagpakita si Hesus sa kanyamg mga alagad para ipadama sa kanila at i assure sila na andyan lang sya at hindi sila iiwan.
Kaya nung mag dating gawi o balik normal sa buhay ang mga alagad eh nagpaalala si Hesus sa kanilang misyon. Ang Magmahal, mag kalinga, mag malasakit, mag pakain sa mga kawan, sa mga tupa.
Tayo din ay tinatanong ni Hesus kung mahal ba natin sya. Dahil ang Pagmamahal ang pinakapuso ng Ebanghelyo.
Ang Pagmamahal ng Diyos sa ating lahat ay nakaugat sa pagbibigay nya ng kanyang bugtong na anak para sa ating kaligtasan. Pagmamahal na radikal. Pag aalay ng buhay.
Ikaw, nagmahal ka na ba? Paano ka ba magmahal? Sino ba ang mga minamahal.mo? Si Hesus mahal mo ba sya? Paano mo ba sya mahalin? Daming tanong ano. Tara pagdasalan natin.
• Father Arnold Abelardo CMF