Kapayapaan sa mga nagtitiwala kay Kristo!

Kapayapaan sa mga nagtitiwala kay Kristo!

Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.” (Jn. 20; 26-29).

Hindi natin makamtan ang tunay na kapayapaan kung hiwalay tayo kay Kristo. Siya ang kapayapaan at si Kristo lamang ang nagbibigay ng tunay na kapayapaan. Si Tomas ay isang alagad ni Hesus, at bakit hindi siya naniniwala sa mga sinabi ng kanyang kasamahan na muling nabuhay ang Panginoon? Dahil si Tomas ay hindi na sumasama sa kanilang pagtitipon-tipon. Mahalaga ba ang pagtitipon-tipon? Ilang beses na nahinto ang ating pag-
titipon-tipon pang-liturhiya dahil sa pandemya. At may mga kapana-
nampalataya na hindi na bumabalik noong nabuksan na ang ating simbahan. Parang bang na “disconnected” na sila. 

Tandaan natin, noong tayo ay tumanggap ng Sakramento ng Binyag, tayo ay naging bahagi sa katawan ni Kristo. At kung mananatili tayo bilang bahagi sa katawan ni Kristo may kapayapaan ang buhay natin. Tulad ng mga alagad sila ay nananatili at sila’y nagkaroon ng kapayapaan. May takot sila sa mga Judio pero nagtitiwala sila kay Kristo. Hindi sila huminto sa kanilang pagtitipon-tipon sa kabila ng pag-uusig ng mga Judio. Si Kristo ang nagbibigay ng kalakasan at tapang upang patuloy sila sa kanilang pamumuhay bilang bahagi sa katawan ni Kristo.

Ang kapayapaan na mula kay Kristo ay nagbibigay lakas upang ipalaganap natin ang mabuting balita, ang muling pagkabuhay ni Kristo. 

Ang pagsasabuhay ng ating pananampalataya ay isang pamamaraan sa pagdiriwang ng ating pagtitiwala na muling nabuhay na si Hesus. Isinasabuhay natin ang ating pananampalataya dahil tayo ay nagtitiwala sa pangako ng muling pagkabuhay. 

Sa Linggong ito atin din ipinagdiri-
wang ang Linggo ng Banal na Awa. Ang Diyos ay mapagmahal at maawain. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay nagbibigay pag-asa sa atin, na may buhay kung tayo ay magbago at sumunod kay Hesus ang ating pag-asa at nagbibigay buhay. Dahil ang tunay na kapayapaan ay ang pagbabago para kay Kristo.

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________