
Sa kwento ng Ebanghelyo ni Juan, hinahanap ng mga tao si Hesus dahil sa mga mila-grong kanyang ginawa.. imagine mo ba naman na pinakain ni Hesus ang libo libong tao. Malaking himala yan. Kaya humanga ang mga tao. Maraming naghahanap kay Hesus at iba’t iba ang dahilan. Merong maysakit na gustong magpaga-ling. Merong gusto lang makakita ng himala. Meron namang gusto syang makilala at sumampalataya sa kanya.
Ikaw hinahanap mo din ba si Hesus? At kung makakausap mo si Hesus ano ang sasabihin or hi-hingin mo sa kanya? Ang sabi ni Hesus, “Ako ang pagkaing nagbi-
bigay-buhay,” At ang lumapit sa kanya ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa kanya ay hindi mauuhaw. Si Hesus kasi ang Tinapay ng Buhay. Sa Misa o Eukaristiya at tinatanggap natin ang kanyang Salita at Katawan.
Buong tiwala nating tanggapin ang kanyang pagmamahal. Mag tiwala tayo sa kanyang Salita. Ha-napin natin sya at sa kanya tayo yumakap.
Anuman ang ating pinagdadaanan sa buhay dahil sa dulot ng pandemya o kawalan mg trabaho o kaya ay problema sa pamilya, kay Hesus tayo lumapit. Lagi natin syang hanapin araw araw sa ating panalangin. O Hesus tulungan mo ako at palakasin. O Hesus ikaw ang aking pag-asa at kaligtasan. O Hesus ikaw ang laging hanap ng aking puso. Gabayan mo po ako at ang aking mga mahal sa buhay. Palakasin mo po ang aking pananampa-lataya sa iyo.
Pagpalain tayo at pagalingin ni Hesus, ang ating Buhay at Kaligtasan.
Paano ito?
• Father Arnold Abelardo CMF