Diyos ay pag-ibig!

Diyos ay pag-ibig!

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig.” (Jn. 15: 9).

Ang Diyos ay pag-ibig, at ginawa tayo ng Diyos dahil sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay nabibigay buhay. Bilang mga taga-sunod ni Kristo, ang pag-ibig ang ating lakas at inspirasyon sa ating pakikipag-kapwa. Tayo ay makikila na tayo ay kay Kristo kung ang pag-ibig ang sentro sa buhay natin. Pinaalalahan tayo ni Hesus sa ating ebanghelyo, “manatili kayo sa aking pag-ibig.” 

Paano manatili sa pag-ibig ni Kristo? 

Una, ang pagsunod sa kanyang mga utos. “Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.” (Jn. 15:10). Ang pagsunod sa mga banal na utos ay ang pagpapakita na iniibig natin si Kristo. Tulad ni Hesus, S’yay naging masunurin sa kalooban ng Ama. Ang tunay na pag-ibig ay handang magsakripisyo para sa kapwa, upang papurihan ang ating Amang nasa langit. 

Bilang mga OFW (Overseas Filipino Worker) ang buhay natin ay isang sakripisyo. Nangibang bansa tayo, upang magtrabaho, dahil sa pag-ibig ng ating pamilya. 

“Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” (Jn. 15: 13). Tinuring tayo ni Kristo na kaibigan, at nag-alay S’ya ng kanyang buhay para sa ating kaligtasan. Ang pag-ibig ni Kristo ay pag-ibig na hindi namimili. Tayo ay hindi karapat-dapat sa kanyang pag-ibig pero tinuring tayo na kanyang kaibigan, at hindi lamang simpling kaibigan, S’ya ay nag-alay ng kanyang buhay para sa atin. At hindi na tayo tinawag na alipin. Dahil ang alipin ay sunod ng sunod lang sa mga utos na hindi nalalaman. Ang Alipin ay nagtratrabaho lang para sa kanyang Amo. 

Tayo ay ginawa ni Kristo na kanyang kaibigan, dahil tinuturuan tayo sa kanyang pamamaraan upang tulad ni Kristo ay magbunga ang ating buhay. Ginayabayan tayo ni Kristo para hindi tayo mawawala sa daan patungo sa kanyang kaharian. Si Kristo ang ating kaibigan na hindi tayo pinababayaan sa panahon na tayo ay nangangailangan.

May mga kaibigan tayo na nawawala na, hindi na mahaha-nap, makontak kung tayo ay nanga-ngailangan. Si Kristo ay ang ating tunay na kaibigan dahil palagi S’yang nandyan sa ating kagipitan at pangangailangan. Dahil ang pag-ibig ni Kristo ay pang-magpakailanman. Hindi tayo binitiwan ni Kristo dahil tinuring tayo na kanyang kaibigan.

Ito ang hamon sa atin. Dahil tinu-ring tayo na kaibigan ni Kristo, manatili tayo sa kanya, sa pamamagitan ng ating pagsunod sa kanya at tapat sa kanyang mga utos. Kung ang Diyos ay pag-ibig, tayo rin dapat ay magbahagi ng pag-ibig sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa kapwa.

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________