Si Hesus ang tagapaghilom ng maysakit

Si Hesus ang tagapaghilom ng maysakit

Madami ang nais makalapit kay Hesus dahil as kanyang kababaang loob at malasakit sa mga dukha. 

Si Hesus kasi ang tagapag pagaling ng maysakit. Sa panahon ng pandemya anduon ang ating pangamba at takot na mahawaan ng virus. Katulad nuong araw madaming maysakit ang walang inaasahan kundi ang Diyos. Kaya madami ang nakasunod kay Hesus para magpagaling sa kanilang karamdaman. Tanging si Hesus ang kanilang inaasahan. Tanging si Hesus ang kanilang lakas at pagasa. Si Hesus ang tagapag hilom at tagabigay ng lakas. Hangad ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus ang ating kabuuan at kagalingan. Anuman ang ating pinagdadaanan ngayon, karamdaman, kalungkutan o kung minsan ay kawalan ng pag-asa, tara at lumapit tayo kay Hesus at hilingin natin sa kanya na tayo ay kanyang pagalingin. Sa kanya natin itaas ang lahat. Magtiwala tayo sa pagmamahal ni Hesus. 

At sana tulungan din natin ang mga maysakit at maging instrumento din tayo ng kagalingan at pagmamahal para sa mga mahihirap at nawawalan ng pag-
asa sa buhay. Si Hesus nawa ang ating maging gabay sa pag gawa ng mabuti at pagmamalasakit sa mga nangangailangan.

Pagpalain tayo at pagalingjn ni Hesus sa lahat ng karamdaman na ating pinagdadaanan. Kapatid, mahal ka ng Diyos at hangad nya ang iyong kabuuan at kaganapan. God bless po.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________