Huwag kang matakot Jose, kasama natin ang Diyos

Huwag kang matakot Jose, kasama natin ang Diyos

S

i Jose na asawa ni Maria ay responsableng lalake. Mahal nya si Maria at handa nyang panagutan ang lahat. Nang ma- intindihan nya ang lahat ayon sa mensahe ng anghel ay tinanggap nya ito na misyon mula sa Diyos. Ang maging kabiyak ni Maria ay maging tatay ni Hesus. 

Magandang halimbawa si Jose ng kabutihan at kababaang loob. Meron syang panininadigan at malasakit lay Maria na nagdalangtao bunga ng Espiritu Santo. 

Hindi mayabang si Jose at hindi sya maingay.

Basta andyan lang sya para kay Maria. Ayaw nyang mapahiya ang kanyang asawa at pag na chismis si Maria na buntis eh tiyak na sasaktan sya ng mga tao. 

Sa buong Ebanghelyo wala tayong nabasa na anumang salita na sinabi si Jose. Gawa lang sya at hindi salita. Kaya nga ang tawag sa kanya eh angkop talaga-si “Jose Manggagawa”, ang karpintero. At sa kanyang kagandahang loob at pagtanggap kay Maria at tinanggap din nya si Hesus ang “Emmanuel” sumasaatin ang Diyos.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________