
Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain.” Sumagot sila, “Wala po tayo kundi limang tinapay at dalawang isda, kaya kailangang bumili kami ng pagkain para sa mga taong ito.”(Lc. 9:10).
Alam nyo ba na marami pang mga kapatid natin na nasa kahirapan ang kanilang kalagayan. Hindi makaahon sa kanilang kalagayan dahil sa maling pamamaraan at pamamalakad ng pamahalaan. Imbis tulungan, sila’y ginagamit ng mga taong may kapangyarihan. Kung wala tayong pakialam sa ating kapwa patuloy ang pagtaas ng bilang sa mga mahihirap. Sa ating ebanghelyo tinuturan tayo ni Kristo, na magbigay sa mga walang-wala sa ating lipunan. Ang Kristiyano ay hindi lamang iniisip ang kanyang sarili at sariling pamilya, dapat marunong din tayong tumulong sa ating mga kapatid na nakalimutan na ng ating lipunan.
Bilang katawan ni Kristo, hindi maging masaya ang ating pagka-Kristiyano kung wala tayong pakialam sa ating mga kapatid. Huwag mo lang isipin ang iyong sarili, dapat meron tayong malasakit sa mga taong nawawala sa ating lipunan. Pati kasapi ng ating Simbahan ay maraming naghihirap dahil may mananampalataya na wala ng pakialam sa ating kapatiran. Kung marunong tayo magbahagi sa mga biyaya ng Diyos, maging buhay ang ating Simbahan. Hindi lang sa ating debosyon ang ating pananampalataya, dapat ito’y mabibigay buhay sa pamamagitan ng pag-mimisyon.
Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita sa mukha ng Diyos sa kanila. Sa pamamagitan ng ating pagtulong, nararanasan nila na sila’y hindi iniiwan ng Diyos. Tulad ng ating ebanghelyo, hindi hinayaan ni Hesus na magutom ang mga tao, binigyan ni Hesus ang kanyang mga alagad ng misyon, na pakainin ang mga tao. Ito ang ating misyon bilang Simbahan na tulungan ang mga tao na hindi na bahagi sa ating komunidad dahil sila’y naging pabigat na sa lipunan. Tayo bilang Simbahan ang mag-ahon sa kanila upang ating silang ibalik sa ating lipunan. Bawat isa sa ating ay mahalaga sa mata ng Diyos. Nawa’y hindi pagbigat ang tingin natin sa mga mahihirap kundi ito ay isang paalala na tayo ay may misyon na ipakita ang ating pananampalataya sa pagtulong sa kanila.
Bilang katawan ni Kristo, ating palakasin ang ating pananampala-tayang nagmimisyon sa pamamagitan ng pagdalo ng Banal na Misa at pagtanggap ng Eukaristiya.
Father Jay Flandez SVD