Ang Bagong utos ni Hesus: “Magibigan Kayo”

Ang Bagong utos ni Hesus: “Magibigan Kayo”

Nautusan ka na ba ng Nanay mo o ng Tatay mo at hindi mo naman nagawa tulad ng magsaing, maghugas ng plato o maglinis ng bahay? Mahirap mautusan di ba?  Mahirap kasing sumunod. 

Pero teka muna, ano sa tingin mo ang Bagong Utos ni Hesus ng sabihin nya sa kanyang mga alagad na “mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” Sa utos na ito hindi lahat eh sumunod at tumanggap, at si Hudas nga dahil hindi nya matanggap ang bagong utos ni Hesus eh ayun umalis sa hapunan at ipinagkanulo nya ang Panginoon. 

Samantala ang ibang alagad at tagasunod ni Hesus ay nagpatuloy sa paglilingkod sa kabila ng hirap at sakit na kanilang hinarap sa pagsunod sa utos ni Hesus na “Mag ibigan”. 

Ang tawag o utos ni Hesus na magmahal ay paanyaya na maki bahagi sa Misyon ng Panginoon. 

Ang magmahal na walang hinihintay na kapalit. Magmahal ng buong puso at isip. Magmahal at magmalasakit lalo na sa mahihirap. Halimbawa, ang magpatawad ay pagmamahal. Ang pagdalaw sa may sakit at bilanggo ay pagmamahal. Ang magbahagi ng pagkain sa mahihirap ay pagmamahal. Ang pagkalinga sa mga matatanda sa may kapansanan at homeless ay pagmamahal. Ang mag mahal ay bahagi ng ating mission bilang tagasunod ni Hesus. Ang mabuhay sa Pagibig ay Mabuhay para sa kapwa. 

Ibukas natin ang ating isip at puso na magmahal. Dahil kung saan naroon ang Pagmamahal ay naroroon ang Diyos. At ang ating pagmamahal sa Diyos ay dapat maglapit sa atin sa mga Dukha. Dahil ang magmahal sa Diyos ay magmahal ng kapwa.

Father Arnold Abelardo CMF

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________