Araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mabigat ang hakbang ng mga alagad ni Hesus na sila Cleopas at kasama. Ang ibang alagad naman ay nagtatago mula ng mapako sa Krus si Hesus. Anduon ang takot, pangamba at panghihinayang. Para bang, ganon lang ba talaga? Nawalan na ng Pagasa. At anong surpresa para sa mga alagad na sa gitna ng kanilang paglalakbay para umuwi na eh biglang nagpa kita at sumabay si Hesus sa kanila. Nagtanong sya at nakinig. Mababanaag sa kwento nila ang lungkot. Wala na si Hesus na kanilang sinundan. 

Pero teka muna, hindi nagtatapos sa Byernes Santo at sa Krus ang Buhay ni Hesus. Pinaliwanag ni Hesus ang nasusulat ng mga propeta. Na muling mabubuhay ang Mesiyas. At sa gitna nakawalang pananam-palataya ng mga alagad eh nagpakıta si Hesus para palakasin sila. At sa paghati ni Hesus ng Tinapay at pagbabahagi nito ay nabukas ang isip at puso ng mga alagad na si Hesus ay Buhay. At ito ay nakwento nila sa mga iba pang mga alagad. Buhay si Hesus at nagpakita kay Simon Pedro at kıla Maria Magdalena at iba pa. Sa hapag at paghahati ng tinapay ay nakita at nakilala nila si Hesus. 

Sa ating buhay pananam-palataya, si Hesus ay buhay at lagi sya sa ating piling. Sa gitna ng takot o lungkot na ating pinagdadaanan, makita nawa natin si Hesus bilang kasama nya sa ating paglalakbay. 

Hindi nya tayo iiwan. Sa bawat Misa at pagdiriwang ng Eucharistia ay natatanggap natin ng buo ang Panginoon. Buhay sya at dinig natin sya sa bawat pahayag ng Mabuting Balita. Isigaw natin at ibahagi sa lahat na buhay si Hesus at sya ay kapiling natin. Alleluia, Alleluia, Si Hesus ay nabuhay na muli. Salamat sa Diyos.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________