Handa ka na ba?

Handa ka na ba?

Na experience mo na bang ma sorpresa? Yung biglang may bisita na dumating na di mo inaasahan, tapos eh hindi ka naman ready. Hindi ka nakapaglinis ng bahay at walang pagkain. Di ba nakakahiya o minsan nakakainis o nakakairita. 

Eh yung me bagyo tapos di ka handa at di mo naligpit mga gamit at bumaha? Nakakalungkot di ba. 

Ganon din sa ating buhay. Kailangan maging laging handa. Hindi lang sa bayarin, karamdaman, relasyon o kabuhayan. Sinasabi ni Hesus na maging handa tayo sa kanyang pagdating. Ihanda natin nag ating mga sarili, puso at isip kay Hesus. “Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito”. Paanyaya ni Hesus na tayoy magbagong buhay at maging mabuti. I focus natin kay Hesus ang ating buhay. Manatili tayo sa kanya, magtiwala, mag lingkod at maging handa. 

Sabi nga ni Jesus “Kaya’t maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”

Amen. Gabayan tayo ni Hesus na maging handa sa kanyang pagdating.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________