
Dakila at totoo ang pagibig ng Diyos sa atin dahil lahat ibinigay at inialay nya. Ibinigay ni Hesus sa atin ang sarili nyang katawan at dugo. Mapalad tayo dahil hindi maramot ang Diyos. Gusto nya ligtas tayong lahat. Gusto nya at kalooban nya na lumakas tayo sa pagkaing nagbibigay buhay.
Imagine ang kagandahang loob ng Diyos na sa bawat Misa ay natatanggap natin ang kanyang katawan at Dugo.
Kaya magandang pagnilayan ang sinabi ni Hesus, “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.” At sa bawat pag Amen natin, sa bawat komunyon at kasama at kabahagi tayo ng Katawan ni Kristo Hesus. Si Hesus at tayo ay iisang katawan, isang pamilya at komunidad. Purihin ang Panginoon sa pagbibigay nya ng kanyang katawan at Dugo para sa atin kaligtasan. Tara po at dumalo tayo sa Misa at tumanggap ng kanyang katawan at Dugo. Pagkaing nagbibigay buhay.
Father Arnold Abelardo CMF