Ang Banal na Eucharistiya ay nagbibigay buhay!

Ang Banal na Eucharistiya ay nagbibigay buhay!

Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan. Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. (Jn 6: 47). 

Si Hesus ang nagbibigay buhay. At saan natin matatagpuan si Hesus na nagbibigay buhay? Sa mga sakramento, lalong-lalo na sa Banal na Misa. Sa Banal na Misa ay ating matanggap ang kanyang katawan. Ito ang sabi ni Hesus, ang sinumang kumain ng aking laman ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Kung tumatanggap tayo sa katawan ni Kristo tayo rin ay magbibigay buhay. Ang Banal na Eukaristiya ay hindi lamang para sa atin. Ang sinumang tumanggap kay Kristo ay magbibigay buhay. Tayong tumanggap kay Kristo ay parang karugtong or ekstensyon ni Kristo sa mundong ito. Tayo bilang tumanggap ng Binyag ay karugtong ni Kristo. Tayo ay dapat magbibigay buhay. 

Kung tumanggap ka ng Eukaristiya, magbigay buhay ka.

“Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito.  ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.” (Jn. 6: 58). May pangako si Hesus, na ang sinumang kumain ng kanyang katawan ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Mahalaga ang pagdalo ng Banal na Misa dahil ito ang magbibigay lakas sa ating paglalakbay tungo sa tunay na buhay, ang buhay na walang hanggan. 

Ang Banal na Misa ay hindi natatapos sa loob ng simbahan. Tayo ang magtatapos sa Banal na Misa sa pamamagitan ng ating pagmimisyon. At ang ating misyon ay ang pagbibigay buhay sa ating kapwa, dahil ang ating tinanggap sa Banal na Misa ay nagbibigay buhay. Tandaan natin na hindi maging ganap ang pagdalo sa Banal na Misa kung hindi tayo magbibigay buhay.

Ang Banal na Misa ay nagbibigay buhay!

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________